Monday, July 13, 2026

Stratehiya ng depensa ngayong linggo sa impeachment trial ni VPSD, pareho pa rin —Atty. Poa

“Same strategy.”

Ito ang inihayag ni defense counsel Atty. Michael Poa kaugnay ng magiging estratehiya nila ngayong linggo para sa impeachment trial ni VP Sara Duterte (VPSD).

Nabatid na mauunang magpresenta ang prosekusyon ng kanilang mga ebidensya at ang magagawa lang sa ngayon ng defense team ay ang mag-cross examination sa mga testigo na ipipresenta.

Aniya, kung may target man ang depensa ay sa cross examination na ito ilalabas.

Tumanggi naman ngayong sabihin ni Poa kung sino ang on deck sa kanilang counsel ngayon at sinabing antabayanan na lang ito sa impeachment trial.

Facebook Comments