Malacañang, sinigurong nanatili ang commitment na mas pagbubutihin ang supply at kalidad ng kanin sa bansa

Tiniyak ng Malacañang na tapat pa rin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa commitment nito na pagbutihin ang supply at kalidad ng kanin sa bansa, para sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Pahayag ito ni Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge (OIC) Usec. Cheloy Velicaria- Garafil kasabay ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month ngayong Nobyembre.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Palasyo sa lahat na manatiling responsable at pahalagahan ang bigas.


Kabilang na dito ang pagkain ng brown rice, hindi pagaaksaya ng bigas, at pagtangkilik ng bigas na pinag-hirapan ng mga Pilipinong magsasaka.

Facebook Comments