
Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magpa-file muli sila ng Red Notice para kay Elizaldy Co.
Nabatid na nahaharap muli ito sa panibagong kasong plunder na isinampa sa kanya ng Sandiganbayan kasama nina dating House Speaker Martin Romualdez at ng dalawang iba pa.
Ayon kay Remulla, pupunta siyang France para i-follow up ang Red Notice ni Co sa INTERPOL.
Kasabay ni Jonvic ang kanyang kapatid na si Ombudsman Boying na magtutungo ng Paris para naman kausapin ang mga awtoridad para makuha ang nasabing puganteng negosyante.
Samantala, ayon pa kay Remullla, ang dalawang iba pa na kasama sa nasabing kaso ay patuloy na pinaghahanap ng awtoridad.
Facebook Comments










