
Inanunsyo ni Meralco Vice President Joe Zaldarriaga na magpapatupad ng pangalawang bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Setyembre.
Ayon sa kumpanya, magkakaroon ng apat na sentimos kada kilowatt hour na pagbaba sa kabuuang singil sa kuryente.
Dulot ng rollback, nagpababa ito sa epekto ng pagtaas ng generation charge dahilan ng paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng langis sa Middle East.
Samantala, wala pa ring pagbabago sa distribution charge ng Meralco habang patuloy rin ang ipinapatupad nilang refund para sa mga consumer.
Facebook Comments










