
Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections o Comelec ang kanilang dating chairman na si Atty. Sheriff Abas.
Ito ay kaugnay ng alegasyong sangkot umano siya sa vote buying bago ang unang BARMM parliamentary elections.
Naglabas ng show-cause order ang Comelec at pinasasagot si Abas sa loob ng 24 oras matapos kumalat sa Facebook ang mga larawan umano ng sample ballots na nakakabit sa pera.
Si Abas ay kasalukuyang kandidato bilang district representative sa unang distrito ng Cotabato City.
Mariin namang itinanggi ni Abas ang alegasyon at iginiit na bahagi lamang ito ng paninira laban sa kaniya.
Gaganapin bukas, September 14, ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Facebook Comments










