
Pwedeng umaksyon ang House Committee on Ethics and Privileges kung mabibigo si Batangas Rep. Leandro Leviste na ipaliwanag ang patuloy na pag-absent nya sa trabaho.
Tugon ito ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V ng tanungin kung ano ang maaring gawin ng Kamara sa patuloy na pagliban ni Leviste sa trabaho.
Ayon kay Ortega, sa ngayon ay wala pa naman siyang naririning na hakbang ng Kamara para o laban kay Leviste.
Una ng sinabi ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag, lumabas ng bansa si Leviste at kanyang inang si Sen. Loren Legarda noong Agosto 2, 2026.
Sa harap ito ng mga reports na plano umano ng NBI na kasuhan si Leviste at iba pang qualified human trafficking kaugnay ng “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto bukod sa kasong plunder na may koneksyon sa hindi nito natupad na commitment sa solar energy.










