
Pumalo na sa 76 ang kumpirmadong nasawi sa nasunog na barko sa Coron, Palawan.
Ito ay matapos marekober ang 41 pang labi ng mga pasahero ng MV June Aster.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), bukod pa ito sa 35 na unang kumpirmadong nasawi dahil sa trahedya.
Sinabi naman ni PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab na ngayong araw dadalhin ang mga labi sakay ng BRP Cape Engaño.
Samantala, nananatili sa 43 ang napaulat na survivors.
Mula sa 134 na nasa ticket manifest ng barko, 13 ang hindi pa nakikita habang dalawa ang hindi nakasakay ng barko nang mangyari ang insidente.
Posible namang mabago pa ang mga datos habang nagpapatuloy ang pagrekober at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima.
Facebook Comments
