Wednesday, November 4, 2026

PNP, tiniyak na walang personal ties sa paghuli kay Senator Bato dela Rosa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na ang mga personal na ugnayan at dating mga posisyon ay hindi makakaapekto sa kanilang pagsisikap na ipatupad ang warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ang pahayag na ito ng Pambansang Pulisya ay kasunod ng hamon ng Malacañang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP na tiyaking hindi makaaapekto ang dating posisyon ni Dela Rosa bilang hepe ng PNP sa kasalukuyang manhunt operation laban sa kaniya.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., welcome sa PNP ang naging hamon ng Malacañang, aniya walang posisyon , ranggo o personal na relasyon ang mangingibabaw sa batas.

Dagdag pa nito, mananatiling propesyonal at impartial ang Pambansang Pulisya at iimplementa nito ang mga batas kahit sinuman ang sangkot.

Sa ngayon, patuloy na biniberipika ng PNP ang mga natatanggap nila na impormasyon sa kinaroroonan ng mambabatas.

Facebook Comments