
Sinita ng Malacañang si Caloocan Rep. Edgar Erice matapos nitong sabihing “optics” lamang ang pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Speaker Martin Romualdez sa State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang basehan ang mga pahayag ni Erice at hindi nito maaaring sabihin kung ano ang iniisip o gagawin ng pangulo.
Kinuwestyon din ni Castro kung nakakausap ba mismo ni Erice si Pangulong Marcos para masabi nitong hindi kayang ipakulong ng pangulo si Romualdez.
Binigyang-diin ni Castro na wala sa posisyon si Erice na magsalita para sa pangulo dahil hindi naman siya ang presidential spokesperson.
Hinamon naman ni Castro ang kongresista na kung may ebidensya laban kay Romualdez, isumite ito sa Ombudsman sa halip na puro pahayag lamang sa publiko.










