
Nakaahon na sa kahirapan ang humigit-kumulang 8.8 milyong Pilipino matapos bumaba ang insidente ng kahirapan o poverty incidence sa bansa.
Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) sa ginanap na pagdinig ng Development Budget Coordination Committee sa Kamara, pumalo na lamang sa 9.7% ang poverty incidence sa bansa nitong 2025.
Malaki ang naitalang pagbaba nito kung ikukumpara sa 18.1% na antas ng kahirapan noong taong 2021.
Bagama’t maganda ang ipinakitang pag-unlad, inamin ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan na nananatiling banta ang inflation o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, na posibleng makaapekto sa patuloy na pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa.
Facebook Comments










