Wednesday, August 12, 2026

Mahigit P8 million halaga ng ketamene mula France, naharang ng BOC

Aabot sa mahigit P8 million na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Ayon sa BOC, nadiskubre ang mahigit 1.6 kilos ng hinihinalang ketamene na nagkakahalaga ng P8.3 million na isiniksik sa loob ng resin rabbit figurine.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa paparating na parcel na nagmula sa France.

Idineklarang dekorasyon ang parcel na nagpositibo sa iligal na droga matapos dumaan sa K-9 inspection.

Agad naman itong kinumpiska dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments