
Hindi pa maituturing na isyu sa ngayon ang pag-alis ng bansa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Kahapon ay nakunan ng larawan si Cayetano na nakapila sa NAIA Terminal 3 Gate 109 pasakay ng Singapore Airlines flight SQ 921 na umalis pasado alas-6:30 ng gabi.
Sinasabi ring kasama ni Cayetano na umalis ng bansa ang kapatid na si Senator Pia Cayetano.
Ayon kay Senator Ping Lacson, hindi pa naman isyu sa ngayon ang pag-alis ni Cayetano.
Sinabi pa ni Lacson na hayaan munang mag-break ang senador mula sa stress na siya rin mismo ang may gawa.
Aniya pa, hindi lang natin nalalaman, posibleng ang trip na ito ni Cayetano at ng kaniyang misis ay may kinalaman sa reproductive health kung saan kilala rito ang Singapore na kanilang destinasyon.
Ayon pa kay Lacson, kung ang biyahe man ni Cayetano ay health-related ay hangad nito ang kabutihan ng kasamahan sa kabila ng banggaan nilang dalawa.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na kapag personal trips ay hindi na kailangang humingi ng abiso ng isang senador.










