
Tahasang binansagan ng House Prosecution Panel si Vice President Sara Duterte bilang mastermind ng “confi scam.”
Ayon kay Prosecution team adviser and spokesperson Robert Ace Barbers, sa pagtalakay ng unang article of impeachment sa impeachment trial ay nalantad ang isang modus.
Sabi ni Barbers at ni Prosecution Spokesperson Zia Alonto Adiong, ang maling paggamit ni VP Sara sa ₱612.5 million na confidential funds ay nagpakita sa isang modus operandi na nagtuturo kay VP Sara bilang utak ng operasyon.
Ayon kina Barbers at Adiong, sinundan ng prosekusyon ang daloy ng pera mula sa iba’t ibang ahensya at sinuri ang mga dokumento, ebidensya at mga sangkot na inidibidual at kanilang nakita na lahat ng anumalya ay nakaturo kay VP Duterte.
Paliwanag nina Barbers at Adiong, sa nabanggit na scam ay ibang tao ang nag-withdraw ng pera, iba din ang nagdala ng bag, naghanda ng mga papeles, namahala sa pera pero ang natukoy na scammer at syang nag-direkta ng operasyon ay si VP Sara.
Bunsod nito ay binigyang diin nina Barbers at Adiong na hindi dapat takasan ni VP Sara ang pananagutan.
