Tuesday, June 30, 2026

Mandatory bag inspections sa mga paaralan, planong ipatupad ng DepEd

Pinag-aaralan ng Department of Education o Deped ang pagpapatupad ng “mandatory” na inspeksyon ng mga bag sa mga eskwelahan matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Sinabi ito ni DepEd Assistant Secretary Roger Masapol sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Rep. Roman Romulo hingil sa mga insidente ng karahasan sa ilang mga paaralan sa bansa.

Aminado naman si Masapol na magiging “nightmare” o bangungot ang ganitong hakbang lalo na sa mga malalaking paaralan na libo-libo ang mga estudyante.

Ayon kay Masapol, kapag natuloy ang implementasyon ng mandatory bag inspection
ay pwedeng damihan ang linya ng mga estudyante papasok ng paaralan at gumamit ng mga walk-thru o hand held metal detectors.

Facebook Comments