Saturday, June 27, 2026

Driver na sangkot sa banggaan at umano’y anak ng Vice Mayor ng Marikina City, pinagpapaliwanag ng LTO

Inisyuhan na ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office o LTO si David Alfred de Guzman, na umano’y anak ni Marikina City Vice Mayor Del de Guzman, para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drug, at kung bakit hindi maaaring suspendihin o bawiin ang kaniyang lisensya dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ito ay dahil sa pagkakasangkot ni de Guzman noong June 13 sa banggaan ng minamaneho niyang SUV at isang motorsiklo sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City, na ikinasawi umano ni Alexander Cruz, isang senior high school teacher sa nasabing lungsod.

Sa ngayon, sinuspinde na ng 90 ara ng LTO ang lisensya ni de Guzman at ipinasusuko na sa Intelligence and Investigation Division, habang isinailalim naman na sa alarm status ang nasabing SUV habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sa ekslusibong panayam ng DZXL News, mariin namang iginiit ni LTO Chief and Assistant Secretary Markus Lacanilao na may kalalagyan umano sa batas ang mga taong lumalabag sa batas trapiko.

Facebook Comments