Tuesday, June 30, 2026

Mga panukala na tutugon sa mga nangyayaring karahasan sa hanay ng mga kabataan, ipaprayoridad ng Senado sa pagbabalik-sesyon

Ipaprayoridad sa mataas na kapulungan ang mga panukalang batas para labanan ang karahasan sa mga kabataan sa pagbabalik sesyon sa July 27.

Tinukoy ni Senate President Win Gatchalian na tiyak na pagdedebatehan sa pagbubukas ng sesyon ang pagrepaso sa Juvenile Justice Law, ang pagbaba sa minimum age of criminal liability sa mga kabataang nasasangkot sa krimen at panukalang ipagbawal ang social media sa mga kabataang edad 16 taong gulang pababa.

Sinabi ni Gatchalian na hindi naman likas na bayolente ang mga kabataan at mayroong mga bagay na nakakaimpluwensya sa kanila kaya humahantong sa karahasan.

Kasama sa mga pagaaralan ang mga online o video games na Roblox at Gorebox at iba pang laro sa social media.

Hihimukin ng senador ang mga magulang na higpitan ang kanilang parental controls sa mga nilalaro at napapanood ng mga anak sa social media at pagkakaroon ng identification validation kung saan bukod sa email ay mayroon na ring facial recognition at age verification.

Itutulak din sa Senado ang mas mahigpit at mas mabilis na pag-detect at pag-block ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga social media accounts na bata ang gumagamit.

Facebook Comments