
Nagpahayag ng tiwala ang Philippine National Police (PNP) sa mga mambabatas kaugnay ng panawagang ipagbawal ang paggamit ng social media ng mga 16 na taong gulang na menor de edad pababa.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., handa ang PNP na magbigay ng mga rekomendasyon base na rin sa taon ng eksperyensa nito sa pagpapatupad ng batas kaugnay ng nasabing usapin.
Nabatid na lumabas ang nasabing panawagan kasunod ng trahedya sa Tacloban na ikinasawi ng 3 estudyante at ikinasugat ng iba pa.
Nauna nang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na kabilang ang panukalang ito sa mga prayoridad na panukalang batas na tatalakayin sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon pa kay Nartatez ,patuloy na nakikipagugnayan ang PNP sa mga social media platforms para palakasin ang monitoring sa mga nilalaman nito na posibleng makaapekto sa asal ng mga menor de edad.
Binigyang-diin ng PNP na ang pagprotekta sa mga bata laban sa mga banta sa online ay nangangailangan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga magulang, mga paaralan, mga kumpanya ng teknolohiya, at ng komunidad.










