MANGINGISDA, KRITIKAL MATAPOS SAKSAKIN SA SUAL

Sugatan ang isang 41 anyos na mangingisda matapos umano itong saksakin ng isang 59 anyos na construction worker sa naganap na insidente bandang alas-8:35 ng gabi ng April 30, 2026 sa Sual.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman sa bahay ng suspek ang biktima kasama ang isa pang mangingisda nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang usapan. Sa gitna ng komprontasyon, kumuha umano ang suspek ng kutsilyo sa kusina na ginamit sa pagbabalat at paghiwa ng mangga at paulit-ulit na sinaksak ang biktima.

Agad na dinala ang biktima sa Sual Primary Care Facility—Infirmary para sa paunang lunas, ngunit kalaunan ay inilipat sa Region 1 Medical Center dahil sa tindi ng tinamong sugat.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis at nagtungo sa bahay ng suspek kung saan ito naaresto. Kusang-loob din nitong isinuko ang ginamit na patalim.

Dinala naman ang suspek sa himpilan ng pulisya sa Sual para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments