Saturday, May 2, 2026

MAS PINALAKAS NA KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA, TINUTUTUKAN SA STA. BARBARA

Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), bilang bahagi ng layunin nitong mapanatili ang isang ligtas at disiplinadong komunidad.

Sa pangunguna tanggapan katuwang ang pulisya, binigyang-diin ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa batas, ang sinumang mapatutunayang lumalabag ay maaaring mapatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10,000,000. Sa ilang kaso, maaari rin silang mahatulan ng pagkakakulong na mula 12 taon at isang araw hanggang 20 taon, kalakip ang multang ₱100,000 hanggang ₱500,000, depende sa bigat ng nagawang paglabag.

Sa bagong direksyong ito ng kampanya, binibigyang-pansin hindi lamang ang pagpapatupad ng batas kundi pati ang pakikilahok ng komunidad.

Nanawagan ang pamahalaan sa mga residente na maging mapagmatyag at aktibong makiisa sa mga programa laban sa droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments