PAGHAHANDA SA TAG-ULAN; DECLOGGING AT DREDGING OPERATIONS, ISINAGAWA SA SAN QUINTIN ‎

‎Nagsagawa ng declogging at dredging operations sa bayan ng San Quintin bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan.

‎Isinagawa ang operasyon sa mga kanal sa Barangay Cabalaoangan at Barangay Ungib.

‎Layunin ng naturang operasyon na alisin ang mga naipong putik, basura, at iba pang sagabal sa mga daluyan ng tubig upang mapanatili ang maayos na pagdaloy nito.

‎Inaasahan ding makatutulong ang hakbang na ito sa pagbawas ng panganib ng pagbaha, lalo na sa mga lugar na madalas maapektuhan tuwing malalakas ang pag-ulan.

‎Patuloy naman ang pagpapatupad ng pamahalaang lokal ng mga programa sa disaster preparedness at climate resilience upang maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments