
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batid ng mga awtoridad ng Pilipinas ang paglunsad ng China ng unarmed ballistic missile sa Pacific Ocean.
Sinabi ng DFA na ang missile na nagmula sa submarine ay bahagi ng military exercise ng Tsina.
Ayon sa DFA, nabigyan ng abiso ang Philippine authorities bago ang missile launch nitong July 5.
Inihayag din ng DFA na mahalagang manatiling kalmado, ligtas at matatag ang paligid ng Indo-Pacific region.
Hindi rin anila makatutulong sa isinusulong na dayalogo, diplomasya at pagtutulungan ang mga padalus-dalos na hakbang.
Nanawagan din ang DFA sa mga partido na pairalin ang pagiging kalmado at gumawa ng mga aktibidad na naaayon sa international rules, at iwasan ang mga aksyon na mauuwi sa hindi pagkakaunawaan.










