Wednesday, August 12, 2026

Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera, pinagalitan ng Sandiganbyaan dahil sa hindi pagsunod sa dress code ng korte

Sinabon ni Sandiganbayan 2nd Division Chairperson Justice Geraldine Econg si Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera, dahil sa pagsusuot ng t-shirt at maong na pantalon sa dapat sana’y arraignment hearing kaugnay ng kasong Graft noong Martes, August 11.

Hindi kasi ito pasok sa dress code ng korte, kung saan nakasaad na bawal ang t-shirt at jeans.

Dagdag pa rito, tinanong din ni Justice Econg kung interisado ba umano si Rivera na bumalik nang paulit-ulit sa korte para malaman ang dress code.

Aminado naman ang mambabatas na hindi niya batid ang dress code sa korte at humingi ng paumanhin.

Samantala, iniurong naman sa August 18 ng Sandiganbayan 2nd Division ang arraignment ni Rivera sa kasong Graft, dahil sa mga nakabinbing motion to quash, suspend, at consolidate na inihain ni Rivera.

Si Rivera, na umano’y “cong-tractor”, ay nahaharap sa kasong Graft na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa bilyon-bilyong halaga ng ghost infrastructure projects ng pamahalaan.

Samantala, nakapagpiyansa rin si Rivera ng tig-P90 thousand sa 9 na bilang ng kasong Graft noong Lunes, August 10.

Facebook Comments