Monday, August 10, 2026

DPWH at LGUs, dapat magtulungan para maging epektibo ang flood control projects

Hindi uubra ang flood control projects kung walang maayos na koordinasyon ang national government at mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Vince Dizon, nakatulong ang pagtutulungan ng ahensya at pamahalaang lungsod sa pagtukoy at pagresolba sa mga problema, kabilang ang pagsasara ng mga puwang sa floodgates at pagpapagana ng pumping stations.

Inihalimbawa ni Dizon ang Navotas na dating madalas bahain pero hindi umano nakaranas ng matinding pagbaha sa kabila ng ilang araw na malakas na ulan.

Patuloy naman ang assessment at audit ng pamahalaan sa mga flood control project para matukoy kung alin ang gumagana at alin ang kailangang ayusin.

Binigyang-diin ni Dizon na kailangang itama ang mga sablay na proyekto upang matiyak na epektibo at tunay na napapakinabangan ng mga komunidad.

Samantala, sinabi niyang Ombudsman na ang dapat umaksyon kung may pananagutan ang mga lokal na

Facebook Comments