Tuesday, August 11, 2026

MMDA at DPWH, muling nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Patuloy na nananawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura matapos mapadpad sa Baclaran Channel sa Parañaque ang malaking vloume ng basura dahil sa habagat at nagdaang bagyo.

Dahil dito, todo pakiusap ang MMDA na iwasang magtapon ng basura sa mga ilog, estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbabara at makatulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng tubig.

Kabilang sa mga nakuhang basura ang mga plastic bottle, styrofoam, food wrapper, kahoy, at iba pang kalat na inanod sa daluyan ng tubig.

Maging si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ay nanawagan na rin sa ating mga kababayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Facebook Comments