Saturday, August 8, 2026

“Maleta Boys”, malinaw na ginagamit lang para siraan ang House prosecutors at iba pang opisyal ng gobyerno

Iginiit ni House trial spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers na napatunayan ngayon na ang mga tinaguriang “Maleta Boys” ay ginagamit lamang para siraan ang mga miyembro ng house prosecution team at iba pang opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ito ni Barbers makaraang bumaligtad at magbawi ng testimonya ang apat sa 18 maleta boys na siyang nagdetalye sa pagtanggap ng maletang puno ng pera ng ilang mga personalildad.

Ipinunto ni Barbers na dahil dito ay malinaw na mayroong naghanda ng script ng maleta boys para magbato ng mga kasinungalingan at walang batayang alegasyon.

Naniniwala si Barbers na nakonsensya ang apat na maleta boys kaya sila bumaligtad at nabigo rin ang mga nag-recruit na tuparin ang rewards na pangako sa kanila.

Bunsod nito ay tiwala si Barbers na ang hakbang ng apat na maleta boys ay lalong magpapalakas sa kredibilidad ng prosekusyon na siyang humahawak sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments