Umabot sa 2,449 senior citizens mula sa 12 barangay sa Binalonan, Pangasinan ang nakatanggap ng tig-20 kilo ng bigas sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families–Rice Distribution Program o AIIF-RDP ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Bawat benepisyaryo ay binigyan ng dalawang sako na may tig-10 kilong bigas bilang bahagi ng rice subsidy program.
Nauna nang naipamahagi ang kaparehong tulong sa mga senior citizen mula sa iba pang barangay sa Binalonan. Dahil dito, mahigit 5,000 senior citizens na sa bayan ang nakinabang sa programa.
Patuloy namang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang pamamahagi ng rice subsidy sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Ang programa ay nakatuon sa pagbibigay ng karagdagang suplay ng pagkain at pagbawas sa bahagi ng gastusin sa pagkain ng mga kwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang mga senior citizen. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








