PULISYA SA DAGUPAN, TODO-ALERTO KONTRA PAGNANAKAW; RONDA PAIIGTINGIN

‎Buong pwersa ang mga kapulisan dito sa Dagupan City upang maiwasan ang mga insidente ng Pagnanakaw sa lungsod.

‎Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay PLTCOL Aurelio S. Manantan, Chief of Community Affairs and Development Unit, DCPO mas paiigtingin nila ang pagroronda sa kanilang nasasakupan, partikular sa Dagupan City, upang mas mapalakas ang seguridad at maprotektahan ang mga residente.



‎Giit ni Manantan, ang sinumang mahuhuling nagnanakaw ng bagay na hindi naman pagmamay-ari ay maaaring managot at mapatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa batas.


‎Babala din nito sa mga nagbabalak gumawa ng hindi magandang gawain— huwag ituloy ang ilegal na aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong habang hinikayat naman ang mga residente na maging mapagmatyag at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments