
Hiniling ng Overseas Filipino Worker (OFW) groups mula sa Luzon ang paglulunsad ng mas matapang na kampanya laban sa illegal recruitment
Sa ginawang konsultasyon ng OFWs sa Department of Migrant Workers (DMW), hiniling din ng grupo ang pagbuo ng local at international support helpdesks para sa migrant workers.
Nais din ng Pinoy workers na magkaroon ng upskilling sa mga manggagawang Pilipino.
Ang naturang konsultasyon ay bahagi ng pagbuo ng 2026–2028 Labor Migration Management Plan.
Una na ring kinumpirma ng DMW na ilang Pinoy domestic workers sa Europe ang na-upskill bilang caregivers.
Facebook Comments