Thursday, November 19, 2026

Reklamo laban kay Laguna Gov. Sol Aragones kaugnay ng disaster funds, ibinasura ng Ombudsman

COURTESY: Sol Aragones/Facebook

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang reklamong inihain laban kay Laguna Governor Sol Aragones kaugnay ng umano’y maling paggamit ng disaster funds ng lalawigan.

Batay sa ulat ng Abante, naipadala na sa tanggapan ng gobernador ang kopya ng desisyong nagbabasura sa reklamo.

Gayunman, hindi pa rito natatapos ang usapin matapos maghain ng motion for reconsideration ang nagreklamo noong Nobyembre 11 upang hilinging baligtarin ang desisyon.

Kinuwestiyon ng complainant ang naging batayan ng Ombudsman sa pagbasura sa reklamo, partikular ang umano’y kakulangan ng ebidensyang natanggap ng mga respondent ang mga kahilingan para sa mga dokumento.

Hiniling din nitong bawiin ang dismissal order at atasan ang mga respondent na magsumite ng kanilang counter-affidavit o sagot sa mga alegasyon.

Facebook Comments