BIR TAX ASSISTANCE CENTER, BINUKSAN SA MANGALDAN

Bilang hakbang upang mailapit sa publiko ang mga pangunahing serbisyo sa pagbubuwis at business registration, nagbukas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office No. 4 ng Tax Assistance Center sa Mangaldan.

Sa nasabing tanggapan, maaaring mag-avail ang mga taxpayer ng serbisyo tulad ng pagkuha ng Taxpayer Identification Number (TIN), business registration requirements, pag-update ng registration records, at tulong sa paghahain ng Annual Income Tax Return (AITR). Nagbibigay rin ito ng suporta sa Information Returns, eAFS filing, at paggamit ng Online Registration and Update System (ORUS).

Hinihikayat ng tanggapan na samantalahin na umano ng mga residente at mga negosyante ang nasabing serbisyo nang sa gayon ay hindi na magkaroon ng aberya o pagkaantala pagdating sa transaksyon sa buwis.

Isinaad ang schedule ng operasyon ng assistance center simula ngayong araw, May 2, May 4 hanggang 7 at Mayo 11 hanggang 15.

Pinaalalahanan din ang publiko na ang huling araw ng paghahain ng Annual Income Tax Return (AITR) ay sa May 15, 2026, Biyernes.

Matatagpuan ang assistance center sa BIR Mangaldan Satellite Office, 1st Floor ng Old Presidencia Building, at tumatanggap ng transaksyon mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa mga itinakdang araw ng operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments