Masungi Georeserve, dismayado sa pagkansela ng DENR sa kanilang kontrata

Dismayado ang management ng Masungi Georeserve sa pagkansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Supplemental Joint Venture Agreement nito sa pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinisi ng Masungi Georeserve Foundation ang DENR dahil sa kabiguan nitong mapaalis ang large-scale illegal occupants sa lugar dahilan para labis na maantala ang proyekto at maapektuhan ang Blue Star.

Umiiwas rin anila ang DENR sa pakikipagdayalogo sa kanila at sa halip ay pinaratangan pa ng umano’y patong-patong na paglabag sa kasunduan.


Bagama’t hindi pa anila nakararating ang Notice of Contract Cancellation na kinapapalooban ng Notice to Vacate, kampante pa rin aniya sila dahil may matibay na legal na hakbang para hindi tuluyang mapaalis sa Masungi.

2002 nang lumagda ang pamahalaan sa isang Supplemental Joint Venture Agreement kasama ang Blue Star para magtayo ng sustainable housing project sa karagdagang tatlondaang ektarya sa lugar pero ayon sa DENR, walang dokumentong nagpapatunay na para sa pabahay ang nasabing kontrata.

Facebook Comments