
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nabayaran na ang January 2025 allotment ng Pinoy seafarers na sakay ng inabandonang MV Atheras at Buenaventura na Panamanian Bulk Carriers.
Ayon sa DMW, mismong ang ship owners at ang licensed manning agency ang nag-asikaso sa naiwang sweldo ng Pinoy crew.
Nilinaw rin ng DMW na wala nang sakay na Pinoy ang MV Gemini na isa ring inabandonang passenger ship.
Ito mismo ang nilinaw ng Licensed Manning Agency (LMA) na TDG Crew Management, Inc.
Habang ang nakauwi na rin ng Pilipinas ang Pinoy seafarers na sakay ng inabandonang MV Manticor na isa ring bulk carrier.
Binayaran din ng manning agency na Virtue Maritime Services Corporation, ang huling sweldo ng Pinoy crew.
Kinumpirma naman ng DMW na nakatakda nang i-repatriate ang mga Pinoy na sakay ng inabandonang Team Porter na isang salvage at rescue vessel.
Iniulat anila ng Diamond-H Marine Services and Shipping Agency, Inc. na ang mga Pinoy crew ay naghihintay na ng kanilang flight pauwi ng Pilipinas sa Bernham Seaman’s Hotel sa Bremerhaven, Germany.
Karamihan sa naturang mga barko ay inabandona ng ship owners matapos na malugi.