
Kinumpirma ni Police Lt. Col. Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine ng PNP-General Hospital na maaari nang bumyahe at makalabas ng ospital si Senator Rodante Marcoleta ito ay pagkatapos na makumpleto nito ang antibiotics na ibinigay ng PNP-GH sa kanya para sa kanyang mild pneumonia.
Ayon kay Bayani, inaasahang matatapos ang pag-inom ng antibiotics ng Senador sa July 15.
Dagdag pa ni Bayani, nakapagpasa na sila ng updated na medical report patungkol sa kondisyon ng senador sa Sandiganbayan.
Samantala, binigyang-diin ni Bayani na naayos at napag-usapan na ng PNP-GH at CIDG ang koordinasyon patungkol sa mga bibisita sa nasabing senador.
Tiniyak naman nito na handa sila na i-transfer ang senador kapag sinabi na ng Sandiganbayan.
Facebook Comments










