
Iginiit ng Malacañang na kalusugan ni Senador Rodante Marcoleta ang dapat maging pangunahing konsiderasyon habang nasa kustodiya ito ng mga awtoridad.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi dapat isugal ang kondisyon ng senador at nararapat lamang na sundin ang payo ng kaniyang mga doktor.
Tinuldukan naman ni Castro ang usapin ng umano’y special o preferential treatment kay Marcoleta matapos itong bisitahin nina Vice President Sara Duterte at Senador Robin Padilla.
Ang Sandiganbayan aniya ang may huling pasya kung sino ang maaaring payagang bumisita sa senador.
Sa ngayon, nananatili si Marcoleta sa Philippine National Police (PNP) General Hospital para ma-monitor ang kaniyang kalusugan matapos arestuhin noong nakaraang linggo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan.










