Monday, July 13, 2026

House prosecution panel, umaasang maisasalang ng mas maaga bilang testigo sa impeachment trial si NBI Director Matibag

Umaasa ang House prosecution panel na mapagbibigyan ng impeachment court ang hiling na maisalang ng mas maaga bilang testigo sa impeachment trial si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Sinabi ito ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua makaraang pormal na hilingin ni Matibag kay House Lead Prosecutor Gerville Luistro na mapa-aga o bago mag July 20 ay maipresenta na syang testigo sa paglilitis.

Sa liham kay Luistro ay binanggit ni Matibag na nakatakda syang dumalo sa summit on scams and transnational organized crime na gaganapin sa Thailand mula sa July 21.

Ayon kay Chua, masyadong matagal kung hihintayin pang makabalik sa bansa si Matibag bago ito pagbigyan na makaharap sa impeachment trial bilang testigo.

Diin ni Chua, mahalaga ang magiging testimonya ni Matibag na may kinalaman sa ika-apat na article of impeachment patungkol sa pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Marcos at dating house Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments