Wednesday, July 22, 2026

Mataas na trust rating, hindi dapat dahilan para makaiwas sa betrayal of public trust

Iginiit ni NBI Director Melvin Matibag na hindi katwiran ang pagkakaroon ng mataas na trust rating para hindi maharap sa reklamo ang isang impeachable officer.

Ito’y sa kabila ng mataas na trust rating ni Vice President Sara Duterte na nananatili sa 57 percent sa kabila ng kinakaharap nitong impeachment trial habang bumaba naman sa 34 percent ang trust rating ni Pangulong Bongbong Marcos.

Tinanong ni Senator-judge Kiko Pangilinan si Matibag na kung mas mataas ang trust rating ay ibig sabihin ba nito ay wala na ring betrayal of public trust.

Iginiit ni Matibag na hindi pwedeng gawing basehan sa pagiimbestiga ang mga survey dahil ito ay isa lamang “snapshot” ng mga pwedeng mangyari.

Bukod dito, batid naman na iilan o pili lang din ang mga lugar na pinagtatanungan ng survey at kung survey ang gagamitin batayan ay mas malaking problema ito lalo’t ilan ay sa survey ay pwedeng mamanipula.

Facebook Comments