Monday, August 31, 2026

Dolomite Beach, tapos nang linisin ng mga tauhan ng DENR ngayong Lunes

Malinis at balik pasyalan na ulit ang Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Lunes, August 31.

Ito ay dahil sa pagbabalik ng magandang panahon sa lungsod, habang nalinis naman na ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang Dolomite Beach.

Ayon sa mga security guard ng beach, pansamantalang isinasara sa publiko ang Dolomite Beach kapag may malakas na pag-ulan sa lungsod, gaya na lang noong Linggo, August 30.

Samantala, tapos naman nang maglinis ang mga tauhan ng DENR kaninang umaga at ngayong hapon, pero patuloy pang kinukuha ang datos kung ilang sako ng mga basura ang nahakot ngayong Lunes, August 31.

Facebook Comments