Friday, August 28, 2026

HIGIT 200 BRGY. TANOD AT BRGY. SECRETARY SABANGAR, LA UNION, NAABOT NG PROJECT YAPPAKK NG PNP

Umabot na sa 274 Barangay Tanod at Barangay Secretary mula sa 23 barangay sa Bangar, La Union ang naging benepisyaryo ng PROJECT YAPPAKK ng Bangar Municipal Police Station, na naglalayong palakasin ang kakayahan at pakikipagtulungan ng mga komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan.

‎Pinakahuling isinagawa ang programa noong August 27 sa Barangay Maria Cristina West, kung saan lumahok ang 34 na Barangay Tanod at Barangay Secretary mula sa mga barangay ng Maria Cristina East, Maria Cristina West at Luzong Sur.

‎Bahagi ng aktibidad ang mga capability-enhancing session upang mabigyan ng praktikal na kaalaman at kasanayan ang mga barangay frontliner na magagamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa kanilang mga komunidad.

‎Ipinaliwanag rin sa kanila ang layunin at pinagmulan ng PROJECT YAPPAKK o Yaman ken Ayat ti PNP Agpaay ti Kakadwa para ti Kapia.

‎Binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga Barangay Tanod bilang katuwang at katuwang na puwersa ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa pagsusulong ng kaligtasan ng publiko.

‎Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at serbisyo, tumanggap ang bawat kalahok ng isang pares ng sapatos, pito at flashlight.

‎Sa pamamagitan ng programa, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng PNP at komunidad sa pagsusulong ng kapayapaan bilang isang sama-samang responsibilidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments