Maternity at OR ng Navotas City Hospital, pansamantalang isasara

Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Navotas na pansamantalang isasara ang maternity at operating room (OR) ng Navotas City Hospital simula ngayong araw, January 30, 2023.

Ito’y para sa ilang pagsasa-ayos na gagawin para mas lalo pang mapaganda ang serbisyo ng nasabing ward ng hospital.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Navotas City Hospital sa Tanza Lying in Center at sa Tondo Medical Center para sa mga pasyente na naka-iskedyul na manganak.


Bukod dito, pinapayuhan rin ang iba pang pasyente na magtungo muna sa ilang pampublikong hospital lalo na ang mga nais sumalang sa operasyon.

Maaari rin naman tumawag sa hotline number na  8374-3463 o magpadala ng mensahe sa Navotas City Hospital Facebook Page kung may ilang mga katanungan.

Facebook Comments