Matteo Guidicelli, wala raw “trust issues” kay Sarah Geronimo

64

Showbiz – Wala raw trust issues si Matteo Guidicelli sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Paglilinaw ito ng aktor kasunod na rin ng pang-iintriga ng ilan kung nagseselos daw ba siya kina John Llyod Cruz at Gerald Anderson na dating na-link sa singer.

Nito lamang July nang magkaroon ng reunion movie sina Sarah at John Lloyd kung saan sa isang presscon ay inamin ng singer na crush na crush niya noon ang aktor.

Pero say ni Matteo, hindi siya nagseselos.

Katunayan, feeling lucky siya na makatagpo ng babaeng mapagkakatiwalaan niya, bagay na pinakamahalaga raw sa isang relasyon.

Facebook Comments