Tuesday, May 26, 2026

Malacañang, hindi magbibigay ng prejudgment sa impeachment ni VP Sara

Umiwas muna ang Malacañang na magbigay ng anumang prejudgment sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan munang mailatag nang buo ang mga ebidensiya bago husgahan ang kaso laban sa Bise Presidente.

Sinabi ni Castro na nasa kamay ng mga senator-judges ang desisyon kung dapat bang managot si Duterte sa mga reklamong inihain laban sa kaniya.

Iginiit din ng Palasyo na suportado nito ang pagpapanagot sa sinumang mapatutunayang sangkot sa korapsyon, anuman ang partido o political affiliation.

Dagdag ni Castro, kabilang sa itinutulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na imbestigasyon laban sa katiwalian at pagpapanagot sa mga mapatutunayang may kasalanan.

Nakatakdang simulan ng Senate impeachment court sa July 6 ang paglilitis laban kay Vice President Duterte.

Facebook Comments