Tuesday, November 17, 2026

Paghingi ng tawad ng prosekusyon, tinanggap ni SP Win Gatchalian; prosekusyon, makakatanggap pa rin ng warning

Tinanggap ni Senate President Win Gatchalian ang paghingi ng paumanhin ng prosekusyon kaugnay sa wacky photos sa loob ng session hall ng impeachment court.

Ayon kay Gatchalian, tinanggap niya ang paumanhin ng prosekusyon dahil tulad sa Senado, strikto rin ang rules sa session hall ng Kamara at nauunawaan ito ng mga mambabatas.

Sa kabila ng paumanhin ay tuloy pa rin ang Senado sa pagiisyu ng warning sa prosekusyon dahil ito ay nangyari na at para mailagay nila sa records.

Sinagot ni Gatchalian ang mga pumupuna na masyado siyang strikto at namimili ng sisitahin dahil sa wacky photos.

Paliwanag ni Gatchalian, ginawa ang wacky photos na ang set up ng session hall ay korte o bilang impeachment court at kahit saang korte hindi pwedeng gawin ito at mahigpit ang mga korte sa decorum.

Tungkol naman sa video ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo at ng isang vlogger na nagsasayaw sa hallway ng Senado, iginiit niyang hindi pa rin ito tama dahil may mga bumibisita sa mataas na kapulungan na mula sa iba’t ibang opisina at may mga foreign dignitaries pa.

Facebook Comments