Sunday, May 31, 2026

Mga maghahain ng COC para sa BARMM elections, inaasahang darami pa hanggang sa huling araw —COMELEC

Aabot sa 300 indibidwal ang inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na maghahain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa BARMM Parliamentary Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaasahang may mga hahabol pa na maghahain ng kanilang mga COC para sa Regional Parliamentary District Representatives hanggang sa last day ng filing nito.

Nasa 32 ang parliamentary district representatives na ihahalal sa BARMM elections sa September 14.

Umabot naman sa 22 ang naghain ng kandidatura sa unang araw ng COC filing kahapon.

Samantala, tinanggap ng poll body ang accreditation ng political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makalahok sa unang BARMM Parliamentary Elections.

Sa desisyong inilabas ngayong araw, ibinasura ng COMELEC ang magkahiwalay na petisyon na inihain nina Sahabudin Usop at Gasanara Dibaraten laban sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Facebook Comments