Nagpatuloy ang Community Feeding Program ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa pamamagitan ng pagbisita ng Meals on Wheels Truck sa Barangay Tarece, kung saan namahagi ito ng masustansyang pagkain sa mga benepisyaryo ng programa.
Bukod sa feeding activity, nagsagawa rin ng nutrition lecture upang mapalawak ang kaalaman ng mga residente tungkol sa wastong nutrisyon, tamang pagpili ng pagkain, at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.
Pinangunahan ang programa ng pamahalaang lokal sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Action Officer. Sa nasabing aktibidad, matagumpay na naipamahagi ang mga pagkaing mayaman sa sustansya bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, patuloy nitong pinalalakas ang mga programang pangkalusugan sa tulong ng mga opisyal ng barangay upang matiyak na naaabot ng mga serbisyong may malasakit ang bawat komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











