KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA MGA PAARALAN SA ALAMINOS CITY, SINUSPENDE NGAYONG ARAW

Isinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Alaminos nitong Lunes, Agosto 3, 2026, bunsod ng patuloy na banta ng Tropical Cyclone Luis at ng masamang lagay ng panahon.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, ipinatupad ang suspensyon ng klase bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng mga paaralan sa gitna ng nararanasang malalakas na pag-ulan at masamang panahon.

Kasabay nito, pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at umiwas sa mga lugar na maaaring bahain o mapanganib habang nagpapatuloy ang epekto ng bagyo.

Hinikayat din ng pamahalaang lungsod ang mga residente na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at update mula sa LGU Alaminos at PAGASA upang maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon at iba pang kaugnay na anunsyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments