LOKAL NA SINING SA ALAMINOS,MAS BINIGYANG-PUWANG SA ART EXHIBIT NG MGA PINTOR

Mas nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na pintor na maipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain sa pagbubukas ng Art Exhibit ng Alaminos Painters Association.

Tampok sa exhibit ang iba’t ibang obra ng mahuhusay na alagad ng sining mula sa lungsod, na layong higit pang mailapit sa publiko ang lokal na kultura at malikhaing industriya.

Dumalo sa pormal na pagbubukas ng exhibit ng mga lokal na opisyal, mga pintor, at mga tagasuporta ng sining na nagbigay-pugay sa talento ng mga Alaminos artists.

Ipinaabot naman ng Pamahalaang Lungsod ang kanilang suporta sa mga lokal na alagad ng sining at ang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapayaman ng kultura at pagkakakilanlan ng Alaminos.

Bukas ang art exhibit sa publiko hanggang Agosto 31, 2026, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga residente at mga bisita na personal na masilayan at pahalagahan ang mga likhang-sining ng mga lokal na pintor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments