
Iprinisinta ng prosecution team ang mga financial transactions ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio na ipina-subpoena ng Senate Impeachment Court mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Aabot sa 666 Covered Transaction Reports (CTRs) habang 55 naman ang Suspicious Transaction Reports (STRs) ng mag-asawang Duterte-Carpio.
Ang CTRs ay tumutukoy sa mga financial transactions na na-flagged ng AMLC dahil lumagpas sa itinakdang threshold habang ang mga STRs ay tumutukoy sa mga pattern ng mga financial transactions na posibleng labag sa batas.
Saklaw ng mga kinukwestyong financial transactions na ito ang mga taong 2007 hanggang 2025 kung saan P4.4 Billion ang kabuuang transaksyon na pumasok at lumabas sa account ng mag-asawa.
Sa direct examination ni Atty. Mae Divinagracia, tinukoy ni AMLC Executive Director Atty. Ronel Buenaventura na 373 ang covered transaction report at 34 naman ang suspicious transaction report ni VP Duterte kung saan aabot sa kabuuang P3.73 Billion ang naiulat na reported transactions sa loob ng 18 taon.
Samantala, nasa 363 CTRs at 30 STRs naman ang naitala kay Atty. Carpio kung saan higit P220 million ang pumasok sa account nito, P249.99 million na lumabas na pera at P279.38 million ang hindi matukoy na pumasok o lumabas.
Maliban dito, mayroon ding report ng cash withdrawal over the counter sa joint account nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara sa BPI Julio Vargas branch noong April 8, 2013 na aabot sa P9.11 million at noong March 9, 2011 na P9.7 million.










