
Siniseryoso ng National Security Council (NSC) ang impormasyon na ipinresenta sa nagaganap na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte patungkol sa umano’y perang mula sa China na pumasok sa Philippine-based company na iniuugnay sa pamilya Duterte.
Sa inilabas na pahayag ni National Security Adviser Eduardo Oban Jr., sinabi nito na dapat na masuri sa legal na proseso ang mga nasabing transaksyon na ito.
Kaugnay nito, inatasan na ni Oban ang intelligence and investigative agencies na makipag-ugnayan sa mga kaugnay na ahensiya para i-assess ang “national security implications”, kung mayroon man, mula sa nasabing mga iniulat na transaksyon.
Nabatid na bago maipresenta ang nasabing alegasyon sa impeachment trial ay nauna nang naglabas ng akusasyon si dating Senador Antonio Trillianes na may pondo umanong natatanggap ang pamilya Duterte mula sa China.










