Friday, October 9, 2026

Palasyo, pinabulaanan ang umano’y pagbabalik ni Sec. Vince Dizon sa DOTR

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na babalik si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa Department of Transportation (DOTr) sa gitna ng napapabalitang rigodon sa gabinete.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang katotohanan ang ulat na papalitan ni Transportation Secretary Giovanni Lopez si Dizon sa Department Of Public Works And Highways (DPWH).

Itinalaga si Dizon sa DPWH noong Agosto 2025 matapos lumutang ang kontrobersiya sa mga maanomalyang flood control projects.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang mga proyektong idineklarang tapos na ngunit wala namang aktuwal na nagawa.

Facebook Comments