Memorandum of understanding sa pagitan ng defense dept at UP, pinarereview ng PNP

Pinare-review ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde kay Senator Ronald Bato Dela Rosa ang 1989 Department of National Defense at University of the Philippines agreement.

Nakasaad sa kasunduan na hindi maaaring makapasok sa lahat ng UP campus ang militar at mga pulis nang walang pahintulot mula sa UP Administration.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde kasunod ng mga reklamo ng mga magulang sa pagdinig sa senado kahapon kung saan napariwara ang kanilang mga anak nang marecruit ng New People’s Army.


Nais nilang mareview ang kasunduan sa pagitan ng DND at UP lalo’t government property ang lahat ng Eskwelahan ng University of the Philippines.

Hinahamon naman ng PNP Chief ang mga makakaliwang grupo na sagutin ang mga reklamo ng mga magulang.

Giit ni Albayalde, huwag itong isisi sa mga sundalo at pulis dahil may mga kasunduan na pumipigil sa kanila para gawin ang kanilang mandato.

Facebook Comments